Travel blogs by Travellerspoint

I loved you, I still love you and I will always do.

To the person who gave real meaning of Love to me.

It's exactly 7:03am. It's been so long since I last opened my blogs at this very moment I felt so empty, clueless and the pain gets stronger and stronger as time goes by. It's been 9 months if I'm not mistaken the time that we broke up. I was inspired somehow to share my story to all of you who always check my blog and for those who subscribed maybe we had similar love story. I don't usually share my personal stories regarding love.

It's started last Oct 2008. I started working at Teletech it's my first job at that time I'm the youngest, I was XX and that person was 5 years older than me. He was my batchmate we usually call it "wavemate" in the call center industry. I don't want to name that person but let's just call that person R.

R was so quiet. He is a not so friendly guy. He prefers to be alone not because nobody likes him infact a lot of our batchmates approaches him they started sharing things. He actually share things naman. I looked at him one time and ask some questions like Where are you from, what's ur prev job. etc and he answered naman as I expected. After few days medyo nalalate na siya. Hanggang sa naging palagi na. He's like puyat or parang may hangover pa but still he was able to manage himself. He looks very neat. Magaling siyang manamit. Btw he was from Angeles, Pampanga.

As days passed. We get to know each other, lagi akong tumatabi sakanya and lagi ko siyang pinupuntahan not because I like him. Napaka unique kasi niya para sa akin. We always talk and we have been good friends. Lagi niya akong hinihintay and likewise. Everyday kami nasa mall. Checking for new clothes. Lunch, Dinner together. As in hindi mo maririnig sakanya na " I need to go home kasi inaantok na ako etc " unless sabihin ko na uwi na tayo. I also tell him mga crushes ko sa office. Mga nakikilala ko. Para ko na siyang bestfriend. The time I need someone to talk to he's there. A lot of bonding moments.

Until I found someone. Our friendship became stronger. Lagi akong humihingi ng payo etc and .... (inaantok na ako) 7:54am.

To be continued.

Posted by mvd 15:01 Archived in Philippines Tagged love Comments (0)

From Sunrise to Sunset

Random Thoughts

Pokemon, Inlove daw sa isang TM?

Well siya si game master ng team namin, kung ano ano ang mga naiisip na laro sa pandeon. Meron siyang bf actually half human half anime. JOKE! Half american daw at chinese ata. Hay! Ewan ko sayo pokemon..

Napagawa tuloy ako ng Blog sa na wala sa oras.. HOT SEAT siya ngayon kasi nabalitaan namin na medyo inlove daw siya sa isang TM sa TMUK. Ang tipo ni Pokemon ay medyo chubby ah basta malaman daw. LOL Pag nakita niyo si Pokemon ay seksi kaya habulin tlga. Parang si Miss India lang..

Kung gusto niyong malaman kung sino yung tinutukoy ko. Mejo chubby daw, nakabraces, maputi at mejo hiphop? LOL sino kaya un.. kaya pala lately parang tulala si pokemon un pala ang dahilan.. Hahahaha!!

Joaquin Bordado, Ang lakas ng Appeal talaga!!

Well si Joaquin isa sa mga team mate ko. Kung idedescribe ko siya. Hmm wag na. Basta marami siyang Tatoo sa katawan. LOL Papano ko nalaman? Meron siyang topless na pic sa FB makikita mo ung tattoo..

Bilib talga ako kay Joaquin, May international, May office may Trainer. LOL

Miss India, Napano ka na?

Well ang muse namin at ang habulin ng Trainer din at QA absent for a long time. Hindi nga rin siya nakasama sa TEAM building namin. Anyway ok na siya ngayon na confine pala siya sa makati med dahil sa matinding tonsilitis. We hope to see you soon!!

Si KOKS, INDIANERO.

Isa sa mga team mate ko din itong si KOKS. Ang ginawa lang naman niya hindi pumasok nung araw na magteteam buiding na kami. Hindi nagtext whatsoever. Tinatawagan hindi sinasagot. Haay KOKS what is ur problem??! After ng TEAM building 1st day of work. HINDI ulit siya pumasok same parin at ung susunod na araw. KOKS, kung nasaan ka man magbagong buhay ka na!! LOL pumasok na po siya kahapon pero ayon parang wala lang. Anyway That is life meron talagang taong minsan ayaw talagang makinig kahit nakabubuti na para sakanya. So babansagan ko siyang KOKS Indianero!lol

Posted by mvd 05:57 Comments (4)

Customer Satisfaction VS. Company Policy

Ano nga ba ang mas matimbang?

Akala ko dati sa school lang may scores

25102009222.jpg20102009196.jpg

Ilang beses na akong nakakuha ng magandang score sa CSAT (Customer Satisfaction) actually araw araw meron. Minsan mataas at madalas may negative(-) kapag negative ang nakuha mo isa lang ang ibig sabihin nito HINDI NASIYAHAN ANG CUSTOMER MO SA SERBISYO MO.. Call center peeps alam niyo na mga term n a ito iexplain ko lang para naman sa mga hindi pa nakakaalam.

Madalas kong naiisip na hindi naman nasusukat ang kakahayahan ng isang ahente sa score na ito. Kung mataas ka talaga sa Quality At Communications pati narin ang pagsunod sa Company policy masasabi kong isa kang "Efficient Agent" hindi kopo sinasabi na magaling ako.. tama lang.. hehehe Nagstick kasi ako sa policy ng account kaya siguro ang customers ko hindi masyado natutuwa. Kasi naman ung mga hinihingi nila imposible na kumbaga HIMALA na hinihingi nila which is not favorable sa Business diba? Kung credit lang hinihingi nila kaya ko naman ibigay kahit magkano pa pero iniisip ko din naman kung tama ba tlgang bigyan kita. AT eto pa kapag alam ko naman na nagkamali kami magkukusa na ako magbibigay sa cus ng credit. Iniisip ko nalang minsan na kaya sila ganun. RUDE/RACIST/SARCASTIC dahil ganun ang personality nila at kaya ko naman maging ganun din. Mahal ko trabaho ko kaya di ko ginagwa at isa pa sabi nga nila " Kung NICE ka tlga, NICE ka. " LOL

Eto pa ha, hindi ako racist kung mga customers namin sa ASIAN masasabi ko na wala silang choice dahil sa bansa nila wala ng call center. LOL Well bahala sila..

Para sakin hindi man ako makakuha makakuha ng magandang CSAT basta tama ang ginagwa ko ok ako. Hahahaha

Posted by mvd 08:32 Comments (1)

Budget accommodation bookings

Read reviews from other Travellerspoint members.

Random Thoughts

From East to West

Isang masayang araw puno ng kulitan sa office...

Pedra is Back!

katrina.jpg
Ang Grand Questor namin nagbalik na mula sa mahabang bakasyon.. Namiss namin siya talaga dahil almost 5 days namin siyang di nakita. Ayun pag pasok ng office ay nakamakeup na. Impluwensya yan ng mga party na pinuntahan niya. Hehehehe
25102009221.jpg
At with matching pasaluong pa sa aming lahat! Thank you!!!

Si Joaqin Bordado

joaquin.jpg

Ang super HOT daw naming team mate ayun! pinagaagawan sa office. Trainer at mga agents! LOL Ang lakas ng appeal ni kuya!! Super thank you naman kami sakanya kasi galing siya ng Thailand lately at may coin purse kaming lahat! Thank you kuya!!!!

Si Rosalinda

rosalinda.jpg26102009255.jpg

Si Rosalinda ang pinakabagong grand questor sa team ni pedra... Welcome!!!

Gameshow Queen si Pokemon!
25102009228.jpg
pikachu5.jpg

Well kapag wala kaming magawa sa office I mean kapag avail etong si pokemon ay napakahilig sa games lalo na ang singing bee. Kung si Kris Aquino ang Queen of game shows si pokemon naman ang Gameshow POKEmon!

Happy Flower
hf.jpg

Itatago ko siya sa pangalang Happy Flower, gusto kong i dedicate sakanya ang Blogsite ko na ito dahil sakanya ako natutong magblog nais ko ring ipromote ang blogsite niya Http://tmuk247.travellerspoint.com .. Enjoy!!:)

Si Emo, Emotera

Nagulat ako ng makita namin sa table niya ang sandamakmak na tissue. Akala ko nga nagkakaubusan na ng tissue kaya't nag panic buying siya. Hahahahaha Sabi niya samin, "Sinisipon kasi ako".. Ate sana diaper nalang binili mo.. hehehehehehe

26102009253.jpg26102009251.jpg
26102009252.jpg

Posted by mvd 15:24 Comments (4)

Keso nga, sweet naman.. :p

The beginning

Napansin ko lang kapag nakakarinig tayo ng mga ganitong linya sa ibang mga tao naiisip natin agad, " Ang Corny " pero guys, aminin niyo na kapag sa inyo sinai ang mga ito ng mga mahal niyo or manliligaw hindi ba't nakakagaan ng loob?

cheese.jpg

Cheesy Pinoy Pickup Lines

1) Kumain ka ba ng asukal? - ang tamis kasi ng ngiti mo.
2) I'm a bee - can you be my honey?
3) May lahi ka bang keyboard? - type kasi kita
4) Papupulis kita! - ninakaw mo kasi puso ko
5) Are you a dictionary? - coz you add meaning to my life
6) I lost my number - can I have yours?
7) I forgot your name - can I call you mine?
8) Ice ka ba? - crush kita, okay lang?
9) Sweswertihin ka sa pagibig ngayong taon - pag naging akin ka
10) Meralco ka ba? - pag ngumiti ka kasi may spark
11) Crayola ka ba? - kasi nagbibigay ka ng kulay sa buhay ko
12) EDSA ka ba? - di kasi ako makapagmove on
13) Bangin ka ba? - nahulog kasi ako sa'yo
14) May butas ba yang puso mo? - natrap kasi ako, can't find my way out
15) Pustiso ka ba? - kasi I can't smile without you
16) Miss, alam mo ba? Hindi tayo Tao, hindi tayo Hayop, at hindi rin tayo Halaman, Bagay tayo, Bagay.
17) Nabibingi ka na ba? Coz my heart has been screaming out your name for quite some time now..
18) Centrum ka ba? Kasi you make my life complete!!
19) Exam ka ba? Gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!
20) Pwede ba kita maging driver? Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..
21) Tapos na ba ung exam mo? Para ako nman sagutin mo..
22) Ok lang na ako ang magbayad ng tuition fee mo..? Basta pag-aralan mo lang akong mahalin
23) Alam mo ba na scientist ako?? At ikaw yung LAB ko.
24) May lisensya ka ba? Coz you're driving me crazy..
25) May kilala ka bang gumagawa ng relo? May sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko..
26) Aanhin pa ang gravity... kung lagi lang akong mahuhulog sa iyo?
27) Mahilig ka ba magluto na pancit canton? Kasi pag kasama kita... feeling ko.. "LUCKY ME"
28) Am i a bad shooter? Coz i keep on missing you... (not exclusively pinoy. oh well)
29) Kung posporo ka at posporo din ako eh di MATCH tayo..
30) Favorite subject mo ba geometry? Kasi kahit anong angle,ang cute mo..
31) Anong height mo? Pa'no ka nagkasya sa puso ko?
32) Ang galing mo siguro sa puzzles. (Bakit?) Kasi umaga pa lang nabuo mo na araw ko...
33) Kapag ako may tindahan, lahat ng tao bebentahan ko ng mura, sayo lang hindi. ................dahil sayo lang ako magmamahal..(nyah!)
34) Alarm clock ka ba? Ginising mo kasi ang natutulog kong puso eh.
35) Puwede bang magpa-picture kasama ka? Para naman ma-develop tayo!
36) Pwede ka bang makatabi pag may exam? Coz i feel perfect beside you.
37) Miss may mapa ka b dyan? Para alm ko ang daan papunta sa puso mo.
38) *nadapa sa harap ng crush* "si how i fell for you?" (Sige banat pa!)

Siguro magaling ka talaga sa puzzle? Kasi umpisa palang ng araw ko, nabuo mo na agad.

I don't know your name. Can I call you mine?

Pwede ba kitang ipa-bloodtest? Para malaman ko kung type mo ako.

Ikaw ha, puro ka talaga lakwatsa. Pati sa panaginip ko nakakarating ka.

Posporo ka, posporo ako. Ayan, match na tayo!

Are you a video game? Cos I hope you're not TEKKEN.

Do you have a library card? Cos I'm checking you out!

Favorite subject mo ba geometry? Kasi kahit saang angulo ka tignan ang ganda mo eh.

Papicture tayo para madevelop!

Napakarami na talagang banat ngayon. Wala na tuloy akong maisip... Kundi ikaw...

Are you a parking ticket? Cos you've got fine written all over you.

Asthma ka ba? Cos you take my breath away.

Aanhin mo pa ang bahay niyo kung nakatira ka na sa puso ko?

Alam mo, ako ang SCIENCE at ikaw ang LAB ko.

Pokemon ka ba? Cos I choose you!

Pag laki ko, gusto ko maging... Sayo.

Para kang table of contents dahil ikaw ang topic ng bawat pahina ng buhay ko.

Limang piso ka ba? Kasi sakto ka.

Do you drink yakult? Cos everyday you're okay!

Paos nanaman ang puso ko. Pano kasi palaging sinisigaw ang pangalan mo...

Ice ka ba? Crush kita, okay lang?

Magaling ka ba sa algebra? Paki substitute naman yung "X" ko please?

Nakakain ka ba ng watusi? Pag nagssmile ka kasi, may nakikita akong spark.

Tabi tayo pag exams ha? Kasi I feel perfect when I'm beside you.

Kung ako ang player at ikaw ang bola, mashushoot ba kita?

Tapos na ba exams mo? Pwede bang ako naman ang sagutin mo?

Isasama na kita. "Do not leave your valuables unattended" daw eh.

May alam ka bang good bank? Kasi I'm planning to save all my love for you.

If nothing lasts forever, will you be my nothing?

Are you a crystal ball? Cos I can see my future with you.

Beer ka ba? Lakas ng tama ko sayo eh.

Sana camera nalang ako. Para palagi mo akong ngingitian.

Centrum ka ba? Cos you make my life complete.

Google ka ba? Lahat kasi nang hinahanap ko nasayo na.

Para kang milo kasi I need you everyday!

I am sine squared theta and you are cosine squared theta... Together, we are one.

Hindi ka ba nalulungkot? Magisa ka lang kasi sa puso ko.

Hindi tayo tao, hindi tayo hayop. Bagay tayo.

I may not be Fred Flintstone but I bet I can make your Bed Rock.

Summer ba pangalan mo? Cos you're hot as hell!

Please help the homeless, take me home with you.

Are you from Tennessee? Cos you're the only ten I see!

Are you Jamaican? Cos ja mai can me crazy!

I've tried the water company, electic company, telephone company, but nothing beats your company.

Gusto mo ng payong? Inuulan ka kasi ng kagandahan.

Ano nga pala english ng mahal kita? (I love you) I love you too.

Fossil ka ba? Cos I want to date you.

Sweswertihin ka sa pagibig ngayong taon - pag naging akin ka

Pwede ba kita maging driver? Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

Ok lang na ako ang magbayad ng tuition fee mo..? Basta pag-aralan mo lang akong mahalin

Kung posporo ka at posporo din ako eh di MATCH tayo..

Alarm clock ka ba? Ginising mo kasi ang natutulog kong puso eh

Puwede bang magpa-picture kasama ka? Para naman ma-develop tayo!

Miss may mapa ka b dyan? Para alm ko ang daan papunta sa puso mo.

"Aanhin pa ang damo" "Kung sau pa lang may tama na ko.."

nasan ka kagabi? wala ka ata sa panaginip ko!

Para kang plema ... because di ka maalis sa dibdib ko!

Gutom ka ba? Tara , bubusugin kita sa pagmamahal ko.

Alam mo bang parang 7-11 ang puso ko?. Kasi 24 oras bukas para sayo.....

"Pag ako gumawa ng planeta, gusto ko ikaw ang axis ko. Para sayo lang iikot ang mundo ko.."

May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

  • Pwede ba kitang ipa-bloodtest? Para malaman ko kung type mo ako
  • Ikaw ha, puro ka talaga lakwatsa. Pati sa panaginip ko nakakarating ka
  • Pag laki ko, gusto ko maging... Sayo.
  • Are you a crystal ball? Cos I can see my future with you.

Posted by mvd 15:32 Comments (1)

Si Bob Ong

The reality

Hangang Hanga ako sa mga "quotations" o mga linyang pinasikat ni bob ong.. May sense.. Ipopost ko dito ang mga linya ni Bob Ong tungkol sa Realidad at PAgibig.. Yeah! I'll appreciate you guys kung magcocomment kayo :-)

bob-ong.jpg

1. “Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal…”

2. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

3. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

4. ”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”

5. ”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba”

6. “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

7. “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

8. “Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”

9. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

10. “Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!”

11. “Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”

12. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

13. “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”

14. “Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“

15. “Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”

16. “Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”

17. ”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”

18. “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”

19. “Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”

20. “Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?”

21. “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”

22. ”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

23. “Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili.”

24. “Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?”

24. “Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”

25. “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”

26. “Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunuking ang katwirang “eh ano kung mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!”

27. “Ano ang talino kung walang disiplina?”

28. “Kulang ba tayo sa pagmamalaki? Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Philipine Eagle ang maya bilang pambansang ibon? May mali nga ba sa mga simbolo ng ating kasarinlan at idelohiya?”

29. “Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”

30. “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

Posted by mvd 15:20 Comments (3)

From East to West

random thoughts..

Una sa lahat nais kong pasalamatan lahat ng mga masugid kong mga tagabasa bago palang ako at naramdaman kong nagustuhan niyo mga pinost ko.. Heto nanaman ako :-)

Ang kagutuman ni KOKS :)

18102009175.jpg18102009174.jpg

Pagdating ni Paeng sa office nagulat ako sa nakita ko dahit bitbit niya sa loob ng operations ang isang buong loaf ng GARDENIA. Sabi ko sakanya

Hindi ka naman nagugutom niyan? LOL

Ang sagot iya saakin kasi daw malapit na magexpire kaya naisipan niyang dalhin.. hehehehehe :)

18102009177.jpg

Ang baon ni EMO

Si mary araw araw humihingi ng baon sa BF nya nagulat ako one time inabutan siya P20.00 Sabi ko sa sarili ko, Grade 1?lol

Ang Diet ni Miss India

18102009176.jpg

Hindi ko lubos maisip na nakakayanan ni Miss India ang everyday diet niya.. As in no beef at pork.. Semi-vegetarian kasi siya pero pag makita mo naman ang katawan niya pinagaagawan ng isang QA at Trainer. LOL

Yum yum

23102009201.jpg

Sa totoo lang unang beses kong makita ito, hindi inakalang pagkain pala ito. LOL Hulaan niyo nalang kung anong klase ito, parang ginamitan ng BLENDER. LOL

Ang Crocs Ni KOKS :)

18102009182.jpg
18102009183.jpg
Nagulat kami after ng sweldo si KOKS new looks na. Nakabili daw siya ng Bagong jacket, naka pula din siya nung araw na yun akala nga namin ay Birthday niya LOL hanggang sa napansin namin ang bago niyang CROCS. Inaasar namin siya sa pandeon (chatroom) nung mga oras na yun sabi niya P150 lang daw yun. Biglang hirit ni Happy Flower hindi dapat CROCS pangalan niyan, kundi " COCS " Hahahahaha

Julilit

Ang aming magiting na Ingat yaman para sa Darating anming Team Building next week, may listahan pa yan :

19102009189.jpg

Guess who saang commercial niyo siya nakita??:)
18102009179.jpg

Kidding, little sister niya yung sa camelia homes commercial, bulilit bulilit :-) hehe

Eto ba yun sinasabi ko?hehehe

bulilit.jpg

Posted by mvd 13:34 Comments (9)

Multo sa CR ng mga babae sa opis, Totoo ba?

Creepy!

19102009184.jpg

Ordinaryong mga araw sa opisina, nagcacalls, kumakain, asaran at kwentuhan hanggang mapunta ang usapan sa "MULTO".

Si Pedra (Supervisor namin) ang nagsimula nito, nababalita raw kasi na sa CR ng mga babae sa opisina ay mayroong MULTO. Ang mga team mates ko na kung makapag CR ay parang uminom ng isang galong tubig. Magmula nung nabalita iyon bahagyang nabawasan ang beses ng pagpunta sa CR. Take note isa lang ang common CR for girls at lahat ng nasa office na babae doon ngpupunta.

Ako naman, inusisa ko si Pedra dahil mukang seryoso talaga ang usapan nila. Usap-usapan narin kasi ng nakararami. Batid ni Pedra na sabi ng isang Janitress doon na laging naglilinis ng CR na ung isang pinto doon ng isang cubicle ay laging naglolock. Isipin nyo nalang papaano makakalabas ang taong maglolock dun? Ung pinto po ng Cubicle walang susian so imposible na malock ito ng basta basta meron din daw bata na umaaligid doon. Pabiro ko namang sagot

Baka lesbiana ung multo at naninilip lang

LOL

Usapan ng dalawang agent galing sa team mate ko!:)
16:07] Lynden Cummah: may mumu daw sa cr
[16:08] reggie.bernabe: ows???may sb?
[16:10] Lynden Cummah: kanina
[16:10] Lynden Cummah: tumtakbo ung 1 tm 2 agent
[16:10] Lynden Cummah: galing cr
[16:11] reggie.bernabe: weh?
[16:11] reggie.bernabe: charot lng un
[16:11] Lynden Cummah: oo noh
[16:12] Lynden Cummah: 3 cr sabay sabay ngclose ung door tapos saby din ung flush
[16:12] Lynden Cummah: nagantay cla sa lababo
[16:12] Lynden Cummah: nakaclose daw ung door kaya ngaantay
[16:13] Lynden Cummah: sabay sabay din kc nag open
[16:13] Lynden Cummah: ung door
[16:13] Lynden Cummah: waaaahhhh
[16:13] Lynden Cummah: ayun nagaantayan cla sa cr

ETO PA:

[16:30] irene.amores: dami naman ghost stories nila
[16:31] irene.amores: pero totoo yung sa cr, ata
[16:31] irene.amores: kc parang feeling mo me tao, tapos solo ka lang pala
[16:31] irene.amores: pero carry lang yun, importante magawa mo dapat gawin sa cr o
[16:33] joann.collado: me too... I felt that....
[16:33] joann.collado: once in a lifetime here sa TMUK...

Para sa akin, hindi ako naniniwala unless makita ko. LOL Sa mga masugid kong mambabasa puwede na kayong magiwan ng inyong mga komento kahit hindi kayo rehistrado sa site na ito :-)

Posted by mvd 13:39 Comments (1)

Tsokolate :-)

the craving

Tsokolate

15102009164.jpg15102009163.jpg

Hindi ko na talaga maalala kung kailan ito pero nung nirecall ko mga 2 araw na ang nakalipas. Ako ung taong medyo mapagmasid sa bagay bagay. One time sa desk ni pedra nakita ko mga chockolates, oreo etc. Noong mga oras na iyon ay medyo nagugutom ako. Hindi ko masabi kay Pedra (supervisor ko) na natatakam na ako sa mga nakikita ko sa desk nya ( sorry ganyan po ako katakaw sa chockolates) hindi lang ako ang nakapansin kundi pati narin mga team mates ko, dinaan ko siya sa parinig

Nagugutom na ako, gusto ko na kumain

sa tingin ko kung mga oras na sinabi ko un ay bahagyang pinarinig ko kay pedra. Hindi siya tinablan at sa sobrang dami niyang ginagawa ay hindi nya ako napansin.

15102009169.jpg15102009166.jpg

Hindi ko na matiis kung kaya't pinarinig ko na sa kanya ng derecho

Wow dami chockolates san galing yan? Kainin na natin!

batid ko sakanya na may halong gutom LOL sagot naman niya sa akin

Sige mamaya kakainin natin yan

Gusto kong sabihin na ngayon na lang pero nakita ko ung macaroons na nkapatong, nagawa ko pa ngang kuhanan ng mga litrato ang mga ito. Sabi ko kay Pedra

Kainin na natin ito

batid ko sakanya si Pedra wala namang alinlangan at pumayag. Natikman ko ito at pati narin ang mga iba kong team mate na si Jean at Mael. Masarap hanggang sa naubos namin. Solve na ako kahit papaano.

Hindi pa diyan natatapos dahil inusisa ko ung mga chockolates at nakita kong slash of ang presyo. 50% off, Unang pumasok sa isip ko baka malapit na itong magexpire? tinignan ko at hindi naman. Sabi sa amin ni Pedra na magpasalamat daw kami kay Kuya Chester OM namin siya ang nagbigay nagbigay ng mga yun. Kasi naman nong first meeting namin sakanya humirit na kami ng PIZZA. Medyo nahirapan kami sa totoo lang. LOL Ayan nagabala pa tuloy siya para sa amin. Thanks Kuya Chester! :)

Posted by mvd 13:49 Comments (6)

Reseta ni dok :)

by VINCE

med.jpg

Reseta ni dok :-)

Nagpacheckup ako last Oct 12, 2009 sa may Victor Potenciano Med center sa may Boni lang din sa mandaluyong. Nagantay ako about 1hr kasi madaming patients si dok. Feeling ko kasi may tonsilitis ako kasi masakit lalamunan ko kapag nagsasalita ako and then kapag lumulunok din ako masakit. Hindi ako nakapasok nung time na yun baka kasi lumala at kailangan ko din kumuha ng medical certificate kasi kailangan sabi ni Pedra (supervisor ko)

It's my turn si dok sobrang relax parang wala sa work. Pinaupo nya ako sa upuan na parang pang dentist tsinek nya ung sa nose ear at throat at napagalaman namin na hindi daw pala tonsilitis. Sinusitis pala. Super explain siya sa akin (feeling nya nabilib ako sa mga explain nya) super dami nya sinabi which is good na maging informative :)

Niresetahan nya ako ng gamot ang sabi kasi sakin ng Nurse friend ko na nasa states ngayon antibiotic lang kailangan ko ung low dose. sinabi din nya sakin kung ilang beses ko iinumin at mg. Ineexpect ko na un lang din ang sasabihin sakin ni doc. matagal ako nkaupo while waiting for him to finish ung reseta nya.

Natapos na cya at binigay nya sa akin. Siyempre ako naman binasa ko muna pero di ko maintindihan sulat nya. Naisip ko tuloy ung sinabi sakin dati " Ung mga doktor di maganda sumulat " Pero hindi naman lahat diba? LOL 3 gamot ang nireseta saakin 1. antibiotic na iinumin ko for 10 days at take note 3x a day pa, pangalawa nakalimutan ko ung pangalan pero pangtunaw ng plema, hindi ito ung tipo ng gamot na nasa isip mo ngayon like solmux LOL kakaiba ung name 2 weeks ko iinumin un. at pangatlo Nasal spray nandun din ung pangalan nakalimutan ko na tuwing umaga un at bago matulog for 2 weeks din yata. Thankful naman ako at sinusitis lang. So nung bibili na ako ng gamot sa WATSONS sa may megamall, pinakita ko ung reseta sa pharmacist (naks) naalala ko din na kailangan ko din bumili ng vitamins so bumili ako ng isang pack ng centrum complete.

Sinabi sakin nung babae ung mga presyo, may halong gulat ang naramdaman ko dahil

P48/pc ung antibiotic at ung susunod na gamot P28/pc at ung nasal spray P300.

Sabay compute ako at nako gagastos ako ng higit P1500 para sa mga gamot, sabi ko sa pharmacist " Miss teka lang iisipin ko muna " nahalata din nya na namahalan ako sa mga gamot. LOL

Pagtpos nung moment na un naalala ko ung commercial ng isang sikat na artista tungkol sa sinusitis, SINUTAB!

" Miss sinutab nalang 10pcs pls"

P9.50 lang isa so aun. tatlong beses ko iniinom 3 days lang wala na ang baradong sinuses. Di ba?! LOL at ung centrum pala inumin bago matulog effective. LOL Un lang share ko lang malaki natipid ko eh napangshopping ko pa ung nasave ko LOL

Salamat sa mga nagbabasa ng BLOGS ko. Madami pa ako kwento sainyo rerecall ko muna. TC

Posted by mvd 08:47 Comments (2)

(Entries 1 - 10 of 12) Page [1] 2 » Next